Saturday, July 25, 2015

Kabayan, pahalagahan ang iyong boto


Pilipinas, mahal kong bayan
San na ang kalayaang nakamtan
Bakit ngayon ikay nasa bilangguan
Bilanggo ng krimen, korupsyon, at kahirapan

Ayan kababayan, parating nanaman ang halalan
Kandidatong iboboto mo, iyo na bang napag isipan
Iyong alalahin kinabukasan ng ating bayan
Maayos na sistema para ating kabataan

Pilipino bakit, bakit ka nagkaganyan
Napakadali ka nang makuha ng magagandang slogan
Gumamit lang ng artista at singer ikaw na kagad ay naligawan
Sa halagang isang libo boto mo kagad ay nabayaran

Bakit di natin subukuan sa susunod na halalan
Kandidatong iboboto natin, atin namang pag isipan
Huwag alalahanin ang mga pangakong binitiwan
Napakarami na ang napako wala pa ba kayong kasawaan

Kabayan, isang tabi mo muna ang iyong kasakiman
Ikaw lang ay natulungan sya na kagad ang susuportahan?
Hindi mo ba naisip kung san nanggaling ang kanyang kayaman?
Ikaw, ako, kaban ng bayan ang kanyang ninanakawan

Bawat isa satin ay importante sa susunod na botohan
Ngunit nakulong, naimpeach, nagnakaw na, yan pa din ba ang Iboboto sa susunod na halalan?
Pilipino, lingon lingon din naman tayo minsan sa nakaraan
Ikumpara ang kaniyang mga nagawa sa kaniyang mga kasalanan

Kaya tayong mga Pilipino sa buong mundo
Panahon nang magtulungan para sa pag babago
Kung hindi ngayon kelan pa tayo aasenso
Para sa kinabukasan, pag isipan kung sino ang iboboto.